PDP-Laban, bukas na sa term-sharing para sa house speakership

Manila, Philippines – Bukas na ang PDP-Laban sa ideya na magkaroon ng term-sharing para sa mga nagnanais maging leader ng mababang kapulungan ngayong 18th Congress na magbubukas sa July 22.

Ayon kay Senator Koko Pimentel na siyang pangulo ng PDP-Laban, ang kanilang desisyon ay naglalayong maisaayos ang tumatagal ng isyu sa house speakership race.

Pero diin ni Pimentel, dapat maunang umupo ang kanilang kapartido na si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.


Ikinatwiran ni Pimentel, na taglay ni Velasco ang higit na nakararaming suporta mula sa mga miyembro ng Kamara.

Samantala, tiniyak ni Pimentel na hindi matitinag ang kanilang suporta kay Congressman Velasco sa kabila ng pag-endorso ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) kay Davao City Representative Isidro Ungab para sa house speakership race.

Facebook Comments