Bumuo nang alyansa ang paksyon ni Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) President at Energy Secretary Alfonso Cusi sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Ang PDDS ay isang national party at binuo ni Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Greco Belgica.
Sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan kahapon, September 23, pawang pumayag ang dalawang partido na magkaroon ng alyansang magsusulong ng maaayos na pangangasiwa at maprinsipyong pamumuno na naisapersonal ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa darating na eleksiyon.
Ilan sa mga opisyal na inihalal ng PDP-Laban bilang senatorial candidates ay sina; Labor Secretary Silvestre Bello III; Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo; Transportation Secretary Arthur Tugade; Leyte Congresswoman Lucy Torres-Gomez; Presidential Spokesperson Harry Roque; Public Works and Highways Mark Villar at Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta.
Sa ngayon, pag-amin ni Belgica na ipapaubaya na niya kay Pangulong Duterte ang desisyong kung tatakbong senador o ipagpapatuloy ang trabaho bilang Chairman ng PACC.