PDP-Laban, higit na palalakasin para magserbisyo at labanan ang korapsyon

Nangako ang bagong Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) acting National President na si Senator Manny Pacquiao na palalakasin ang partido para higit na makapaglingkod sa mga Pilipino at hindi para sa mga malalaking negosyo o mga dayuhan na may pansariling interes.

Sa kanyang acceptance speech ay binigyang diin din ni Pacquiao ang pagprayoridad ng partido na makatulong sa paglaban ng administrasyon sa korapsyon.

Ayon kay Pacquiao, katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay galit na galit din siya sa mga korap na opisyales at government workers dahil ninanakaw nila ang pera ng bayan na dapat ay para sa mga programa at proyekto na makakatulong sa ating mga naghihirap na kababayan.


Facebook Comments