PDP-Laban, idineklarang dominant majority party ng Comelec

Manila, Philippines – Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang PDP-Laban bilang dominant majority party, habang ang Nacionalista Party ay bilang dominant minority party para sa May 13 midterm elections.

Accredited din ng Comelec ang Liberal Party, Nationalist People’s Coalition, United Nationalist Alliance, Lakas-CMD, Workers and Peasants Party, Laban ng Demokratikong Pilipino, National Unity Party at Aksyong Demokratiko bilang major political parties.

Sa resolution, ang mga watcher ng dominant majority at dominant minority parties ay bibigyan ng preference kung ang space sa canvassing ay limitado.


Ang political party ni presidential daughter Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago at 10 iba pang local political parties ay idineklarang sole major local parties sa kani-kanilang rehiyon.

Facebook Comments