PDP-Laban, ipinadedeklarang ‘election hotspot’ ang Quezon City kaugnay ng nalalapit na midterm elections

Umaasa ang Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban na pagbibigyan ng Comelec ang inihain nilang petisyon na isailalim sa election hotspot ang Quezon City kaugnay ng nalalapit na midterm elections.

Sa isang pulong balitaan sa QC,sinabi ni PDP-Laban Secretary General Edwin Rodriguez, kahit patuloy ang imbestigasyon ng  QCPD sa nangyaring pagpatay kina  Barangay Bagong Silangan Chairwoman at tumatakbong Congresswoman ng 2nd district Crisell Beltran at sa  kanyang driver, hindi pa rin tukoy ang utak sa krimen.

Ani Rodriguez, posible na   nagmamamanman ang nasa likod ng naturang karahasan.


Dahil dito, ayaw nilang magpa ka kampante sa seguridad ng iba pa nilang ka miyembro.

Aniya, dapat na mapalakas ang presensya ng pulis sa lungsod dahil  may kumakalat umanong  impormasyon na may mga grupo umano na nagpaplano na maghasik ng kaguluhan upang takutin ang  mga botante at makapagsagawa  malawakang vote buying.

Maliban sa naturang petisyon, pormal na rin hiniling ng PDP Laban sa Comelec na payagan ang anak ng nasawing barangay chairwoman na humalili sa kaniya bilang  kandidato ss pagka congresswoman sa 2nd district.

Facebook Comments