PDP-Laban, isinasapinal na ang senatorial lineup para sa 2022 elections

Inihayag ng isang opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na isinasapinal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang senatorial lineup para sa 2022 national elections.

Ayon kay PDP-Laban Vice President for Visayas at Eastern Samar Governor Ben Evardones, ang senatorial lineup ay binubuo ng reelectionist, returnin senators, cabinet members at ilang sikat na personalidad.

Sinabi ni Evardone na kabilang sa inisyal na listahan ay sina:
• DPWH Secretary Mark Villar
• Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
• Presidential Spokesperson Harry Roque
• DOTr Secretary Arthur Tugade
• DOLE Secretary Silvestre Bello III
• Cabinet Secretary Karlo Nograles
• House Deputy Speaker, Antique Representative Loren Legarda
• DICT Secretary Gregorio Honasan II
• Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri
• Dating Senator JV Ejercito
• MMDA Chairperson Benhur Abalos
• Presidential Anti-Corruption Commission Chief Greco Belgica
• Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar


Kasama rin sa listahan ng posibleng senatorial candidates ang TV host na si Willie Revillame, aktor na si Robin Padilla, at broadcaster na si Raffy Tulfo.

Dagdag pa ni Evardone, personal na ikakampanya ni Pangulong Duterte ang mga nasabing kandidato, na susuportahan din ng PDP-Laban.

Kaya pinili ang mga nabanggit na indibiduwal ay dahil sa kanilang track record sa serbisyo publiko, integridad, kakayahan, at pagtulong sa mga mahirap at kapos palad.

Sa ngayon, nagkakaroon pa ng konsultasyon ang pangulo lalo na at maraming aspirants ang nais na magpa-endorso sa kanya.

Facebook Comments