Nagbabala ang Malacañang sa pagkakaroon ng paksyon sa Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya maintindihan kung saan ito hinuhugot ng ruling party, lalo na at kapartido nila si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, kapag umalis ang pangulo sa partido ay babalik sila sa pagiging “jeepney”.
Dagdag pa ni Roque, walang makakapigil sa Punong Ehekutibo sa pagtakbo bilang bise presidente kung nakapagpasya na siya.
Gayunpaman, kinikilala ng Palasyo na ang PDP-Laban ay isang democratic organization.
Nabatid na maraming pulitiko ang nag-ober-da-bakod sa PDP-Laban nang manalo si Pangulong Duterte.
Facebook Comments