Manila, Philippines – Iginiit ng PDP-Laban na mananatili ang kanilang “vote as one” sa house speakership race.
Ito ay kasunod ng pagkonsidera ni Davao Representative Paolo Duterte na tumakbo sa nasabing posisyon.
Ayon kay PDP-Laban Spokesperson Ronwald Munsayac – iginagalang nila ang desisyon ni Paolo.
Hindi rin aniya matatawaran ang malawak na karanasan ni Pulong sa legislative arena bilang vice mayor ng Davao City.
Tulad ng ibang mambabatas, sinuman ay maaaring tumakbo sa mataas na posisyon sa Kamara.
Bago ito, sinabi ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales, National Executive Vice President ng PDP-Laban na pwedeng bawiin ng mga mambabatas ang kanilang suporta kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco at sa halip ay suportahan si Congressman Duterte kung seryoso ang intensyon nitong tumakbo.