Nananatiling matibay at nagkakaisa ang Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa kabila ng mga hamon.
Sa kanyang talumpati sa National Assembly, binanggit ni Pangulong Duterte ang partido na patuloy na nagiging matatag mula nang manalo siya sa pagkapangulo noong 2016.
Nagpapasalamat siya sa kanyang mga kapartido sa kanilang patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa sa kanyang liderato.
Pero sinabi rin ng pangulo na ang partido ay matagal ng panahong ‘natutulog’ at ‘nagising’ lamang ito nang tumakbo siya sa pagkapresidente.
Dagdag pa ng Pangulo, ikinokonsidera niyang tumakbo sa pagkabise presidente sa susunod na taon dahil sa pagbabanta ng kanyang mga kritiko na kasuhan siya.
Aniya, si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang nagsimula ng “ruckus” o komosyon sa loob ng partido.
Iginiit ni Pangulong Duterte na nagkamali si Pimentel nang italaga niya si Senator Manny Pacquiao bilang acting president ng partido.
Ang PDP-Laban ay isang “father and son” party lamang at lumaki lamang ito nang tumakbo siya sa pagkapangulo.
Banat pa ng pangulo, malabo ang tiyansang manalo si Pimentel sakaling tumakbo siya sa pagiging senador muli o sa kahit anong barangay post.