PDP-Laban, napili si Davao City Mayor Sara Duterte bilang pambato sa vice presidential race sa 2022 national elections dahil sa kanyang credentials at adbokasiya sa bansa

Naniniwala ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na taglay ni Davao city Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga katangian para maging susunod na bise presidente ng bansa.

Sa kalatas ng partido, sinabi nitong nakahanay ang mga adbokasiya at plano ni Inday Sara sa mga mithiin ng PDP-Laban kung kaya’t nagdesisyon silang i-adopt ang alkalde bilang opisyal na kandidato ng partido sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.

Ayon pa sa partido, si Mayor Sara ang most qualified para sa posisyon dahil na rin sa mga nagawa nitong pagbabago at base na rin sa kanyang track record sa Davao City.


Sang-ayon din ang PDP-Laban na kapag si Mayor Sara ang naitalaga bilang VP ng bansa ay maipagpapatuloy nito ang vital programs ng kasalukuyang Duterte administration.

Kabilang na dito ang Build, Build, Build Program, paglaban sa katiwalian, korapsyon, krimen, illegal drugs at maraming iba pa.

Kasunod nito, nanawagan ang PDP sa kanilang mga kapartido na suportahan si Inday Sara at pinaghahandaan na rin ng partido ang paglulunsad ng campaign para kay Mayor Sara.

Facebook Comments