PDP-Laban, pabor sa term sharing basta unang uupo si Rep. Velasco

Sinang-ayunan ng PDP-Laban ang term-sharing set-up para sa house speakership race.

Ayon kay PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel – layunin nito na maresolba ang hindi pagkakasundo kung sino ang dapat maupong house speaker sa 18th Congress.

Iminumungkahi nila na ang kanilang nominadong si Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang unang uupo lalo at maraming mambabatas na ang nagpahayag ng suporta sa kanya.


Iginiit din ni Pimentel na nananatiling solid ang suporta ng buong partido sa kandidatura ni Velasco.

Matatandaang nagpahayag ding tatakbo sa pagka-house speaker sina Davao City Congressman Paolo Duterte at Davao City Congressman Isidro Ungab na pambato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Facebook Comments