PDP-Laban, posibleng magdesisyon na sa mga plano sa 2022 elections ngayong buwan ayon sa isang political analyst

Walang naging paglabag ang PDP-LABAN sa kanilang naging pulong kahapon kung saan hinimok dito si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022 elections.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na wala naman kasing inirekomendang mga kakandidato ang partido sa pulong kahapon.

Paliwanag ni Macalintal, sa Setyembre pa pwedeng magdaos ng convention ang mga partido kung saan dito na sila maglalabas ng mga pangalan ng kanilang kandidato mula sa presidente hanggang sa mga konsehal.


Kaugnay nito, sinabi naman ng political analyst na si Prof. Ramon Casiple na normal lamang ang ganito sa mga partido at naniniwala siyang may mga desisyon nang gagawin ang PDP-Laban ngayong buwan sa kanilang plano sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments