PDP-Laban President Pacquiao, dapat nang lisanin ang partido- Cusi

Pinayuhan ni Department of Energy (DOE) Secretary at Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice Chairman Alfonso Cusi si Party President at Senator Manny Pacquiao na umalis na sa partido kasabay ng mga natatangaap nitong puna mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cusi, dapat nang lisanin ni Pacquiao ang partido bago pa maglabas ng mga maaanghang na pahayag ang pangulo laban sa kaniya.

Inamin naman ni Cusi na hindi susuportahan ng PDP-Laban si Pacquiao kung magpapasya itong tumakbo sa eleksyon.


Itinakda ang national assembly ng PDP-Laban sa ika-16 ng Hulyo habang sa ika-17 ng Hulyo ay pagbobotohan ng mga miyembro nito ang mga bagong opisyal ng partido.

Facebook Comments