Naniniwala ang PDP-Laban QC chapter na pinagplanuhan ang pagpatay sa miyembro nila Kapitana Crisel ‘Beng’ Beltran na kumakandidatong kongresista.
Ayon kay Congressman Bingbong Crisologo, kung titingnan ang istilo ng pananambang, tiniyak na hindi bubuhayin ang kapitana.
Binigyan diin ni Crisologo, kumakandidatong mayor sa Quezon City na kinalaman sa pulitika ang nangyaring pagpatay kay Beltran dahil itinaon ito kung kailan tumatakbo ito sa pagka kongresista sa ikalawang distrito at lumalabas na isang malakas ang tsansa na manalo.
Ang Barangay Bagong Silangan kung saan last termer na kapitana si Beng Beltran ay isa sa mayaman sa boto na barangay sa Quezon City.
Tinitingnan na ngayon ng QCPD ang anggulong pulitika sa kaso ng pananambang kay Beltran.
Nagpalabas naman ng tatlong milyong pisong reward money si Vice Mayor Joy Belmonte para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta ng pagkakadakip ng nasa likod ng pamamaslang kay Kapitana Beltran.