PDP Laban tiwalang malinis at credible ang nakaraang halalan

Naniniwala si Senator Manny Pacquiao na siyang campaign manager ng PDP Laban na credible at honest ang nangyaring midterm election.

 

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi Senador Pacquiao na neutral naman ang Senado kung kayat walang dapat na ipangamba ang publiko sa kanilang agam-agam na posibleng sunod-sunuran lamang sa utos ng Malakanyang ang Senado dahil naniniwala siya na  para sa kapakanan ng taongbayan at ang hangad umano nila ang pagbabago at tugunan ang mga problema sa bansa.

 

Nagpapasalamat rin si Pacquiao at nandiyan si Pangulong Duterte na seryoso upang tulungang maiahon sa kahirapan ang Pilipinas.


 

Ibinulgar din ng Senador na malaki talaga ang problema ng bansa nariyan na aniya ang pagpataw ng malaking buwis kung saan ay talagang wala ng income ang gobyerno.

 

Giit ni Pacquiao ang pinagkukunan ng buwis ay ang mga Taxes at GOCC kung saan ay  mismanage ang gobyerno sa pamamahala simula pa noong nakaraang pamahalaan dahil wala ng income ang kasalukuyang gobyerno.

Facebook Comments