PDRRMC ISABELA, HANDA NA SA EPEKTO NG BAGYONG ‘KIKO’

Cauayan City, Isabela- Nakaalerto na ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni PDRRMO Ret. Gen. Jimmy Rivera sa posibleng banta ng bagyong ‘Kiko’ na itinuturing nang isang Category 5 Super Typhoon ng JTWC ng Amerika.

Una nang nakipagpulong si Ret. Gen. Rivera sa PNP, AFP, BFP, NIA at iba pang ahensya ng gobyerno para sa paghahanda sa posibleng maaaring epekto ng Bagyong Jolina at ng super typhoon ‘Kiko’ sa Lalawigan.

Dahil sa bagyong ‘Kiko’, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no.1 sa Hilagang-Silangan bahagi ng Isabela na kinabibilangan ng Maconacon, Divilacan, San Pablo, Cabagan, at Palanan.


Nasa signal no. 1 din ang Silangang bahagi ng Cagayan tulad ng mga bayan ng Buguey, Lal-Lo, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Gattaran, Baggao, at Peñablanca.

Kaugnay nito, nakahanda na rin ang mga miyembro ng bawat Disaster Risk Reduction and Management council sa mga apektadong bayan sa Lalawigan ng Cagayan.

Naka standby na rin ang mga rescue team sa mga apektadong lugar para sa agarang pagresponde kung kinakailangan.

Facebook Comments