PDRRMC Isabela, Handa na sa Pagbayo ng Bagyong Pepito

Cauayan City, Isabela- Nakaalerto na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), at iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa Isabela bilang paghahanda sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Pepito lalo na sa Silangang bahagi ng Lalawigan.

Agad na pinulong ni Ret. Brig. General Jimmy Rivera bilang Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ang mga pinuno at miyembro ng PDRRMC upang talakayin ang mga gagawing paghahanda sa magiging epekto ng pagtama ng bagyo sa Probinsya.

Inalerto na rin ang mga rescue units ng PDRRMO upang maging handa at umantabay sa anumang emergency.


Nakahanda na rin ang mga relief goods sa iba’t-ibang bahagi ng Isabela na ipapamigay sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.

Sa kasalukuyan, nasa signal no.2 ang mga lugar sa Southern portion ng Isabela na kinabibilangan ng bayan ng Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon habang ang natitirang mga bayan sa Isabela ay nasa ilalim ng tropical storm signal no.1.

Facebook Comments