
Cauayan City — Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kaugnay ng isang Low Pressure Area (LPA).
Dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng LPA, pinapayuhan ang mga residente ng Isabela na maging mapagmatyag sa posibleng epekto nito.
Kabilang sa mga inaasahang panganib ang biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog, pagbaha sa mabababang lugar, at pagguho ng lupa lalo na sa mga bulubunduking komunidad.
Hinimok ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga balita at ulat panahon sa telebisyon, radyo, at mga lehitimong social media accounts upang manatiling updated sa lagay ng panahon at mga anunsyo ng awtoridad.
Maaaring tumawag sa mga hotline ng DART Rescue 831 sa mga numerong 09158193187, 09215852341, at 09178526698, o kaya ay makipag-ugnayan sa pinakamalapit na rescue unit sa inyong lugar sa oras ng emergency.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan para sa ibayong pag-iingat ng lahat lalo na ngayong inaasahang lalala pa ang panahon sa mga susunod na oras.









