*Ilagan City, Isabela- *Patuloy paring nakaalerto at naghahanda ang pamunuan ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa inaasahang paghagupit ng bagyong Ompong.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, ang media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ay daan-daang volunteers na ngayon mula sa hanay ng AFP, BFP, PNP, at iba pang mga otoridad ang nakahandang rumesponde sa bawat lugar na kinakailangang i-rescue.
Halos nailikas na rin umano ang mga residente sa mga nasa coastal areas ng Isabela at naipamahagi na rin ang mga relief goods sa mga evacuees.
Sa ngayon ay mayroon ng mahigit siyam na libong relief Packs ang naipamahagi sa Northern Isabela at sa ibang bahagi ng Southern area ng Isabela.
Tiniyak rin umano ng ating Pamahalaang Panlalawigan na sapat ang supply ng mga relief goods at imimintina nito ang nasa labingdalawang libong stocks na relief goods.
Gagamitin na rin umano ng ating Pamahalaang Panlalawigan ang Text Blast Seal na mayroong tatlo hanggang apat na radius upang mabigyan at matanggap lahat ng mga cellphones na sakop ng radius nito ang mga paabiso ng ating Pamahalaang Panlalawigan.
Mahigpit namang pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at paghandaan ang paghagupit ng bagyong ompong dito sa ating lalawigan.