PDRRMO AT 19 NA LDRRMO SA PANGASINAN, PINARANGALAN NG NATIONAL GAWAD KALASAG SEAL

Pinarangalan ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management office (PDRRMO) kasama na ang 19 na Local DRRMs sa lalawigan bilang National Gawad Kalasag Seal for Excellence. Ang PDRRMO ay nasa kategorya Beyond Compliant.
Kabilang din sa nasabing kategorya ay ang bayan ng Anda,Bayambang, Bolinao, Calasiao at Mangatarem. Fully Compliant naman ang Alaminos City, San Carlos City, Alcala, Asingan, Basista, Bugallon, Dasol, Lingayen, Malasiqui, Mangaldan, Natividad, San Fabian, Urbiztondo, at Villasis.
Ang mga ito ay kabilang sa 135 beyond compliant at 436 na fully compliants LGUs sa buong bansa.

Ang parangal ay bunga ng pagsisikap ng mga nabanggit na LGU na maging handa sa anumang sakuna sa pamamagitan ng ibat-ibang interbensyon. |ifmnews
Facebook Comments