PDRRMO Maguindanao nakaalerto kasabay ng Lindol na naranasan

Agad na ipinag-utos kagabi ni Maguindanao Gov. Bao Mariam Sangki-Mangudadatu na i-activate ang Maguindanao Quick Responce team matapos na maranasan ang magnitude 6.3 na lindol sa lalawigan.
Ayon kay Maguindanao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations Officer Amir Jihad Tim Ambolodto, agad din naman s’yang nakipag-ugnayan sa mga MDRRMOs upang malaman ang sitwasyon sa kani-kanilang bayan kasunod ng lindol.
Sinabi pa ni Ambolodto na nakipag-ugnayan na rin sila sa concerned government agencies tulad ng BFP, DEpEd at iba pang mga kasapi ng PDRRM Council.
Alas 11:00 kagabi nang magdesisyon si Gov. Mangudadatu na suspendehin na lamang ang klase ngayong araw ng Huwebes sa mga pampubliko at probadong eskwelahan mula elementarya hanggang koleheyo sa lalawigan upang bigyang daan ang mga ahensya ng gobyerno na makapagsagawa ng damage assessment sa mga imprastraktura dagdag pa ni Ambolodto.
Nakarating na rin kay Maguindanao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations Officer Amir Jihad Tim Ambolodto ang report na isang batang babae sa bayan ng Datu Paglas ang nasawi matapos na mabagsakan ng debris ng gumuhong pader ng kanilang tahanan, kinilala itong si Jonavie Sindad, grade 1 pupil ng Tukao Madidis Central Elem. SChool.
SInabi pa ni Ambolodto na nakahanda ang mAGUINDANAO-PDRRMO na tumugon sakaling may evacuation sa alin mang bayan sa lalawigan bunsod na malakas na lindol kagabi.
Magpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga kabayanan sa Maguindanao ayon pa kay Ambolodto, kasabay nito ay nanawagan ang opisyal sa mamamayan ng probinsya na mag-ingat, maging kalmado, huwag magpanic sa sandaling may mararanasang aftershocks kasunod ng magnitude 6.3 na lindol kagabi sa lalawigan.
Kasabay nito ay hiniling din ni Ambolodto sa publiko na iwasang magpakalat ng mga mali at hidni kumpirmadong mga balita upang maiwasan ang panic.
Antayin ang opisyal na mga impormasyon at pahayag mula sa mga opsiyales ng barangay, Municipyo at probinsya.

Facebook Comments