PDRRMO NAGBABALA SA PAG-IWANG NAKASINDI NG CHRISTMAS LIGHTS MAGDAMAG

Nagbigay ng babala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) laban sa pag-iwan ng Christmas lights na nakasindi magdamag, na itinuturing na isa sa mga pangunahing sanhi ng sunog sa mga kabahayan tuwing Kapaskuhan.

Ayon sa ahensya, mabilis mag-overheat ang mga bulbs, lalo na kung luma o pudpod ang wiring, at maaari ring magdulot ng panganib ang overloading sa saksakan habang natutulog ang lahat sa bahay.

Binigyang-diin ng PDRRMO ang ilang hakbang upang maiwasan ang sunog, kabilang ang pagpapapatay ng Christmas lights bago matulog o umalis ng bahay, paggamit ng de-kalidad at certified na ilaw, pag-iwas sa octopus wiring, regular na inspeksyon ng wiring at plugs, at paglalayo ng ilaw sa mga madaling magliyab na dekorasyon tulad ng kurtina.

Ayon sa ahensya, ang pangunahing layunin ay tiyakin ang kaligtasan ng mga kabahayan sa panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments