PDRRMO NAGPAALALA NA MANATILING ALERTO SA KABILA NG MAINIT NA PANAHON SA ILALIM NG TCWS NO. 1

Nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na manatiling maingat ang publiko kahit mainit at maaliwalas ang panahon sa kabila ng nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa probinsya.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang pagdedeklara ng TCWS ay nakabatay sa lakas ng hangin at hindi sa dami ng ulan.

May tinatawag na “warning lead time” na ibinibigay ang PAGASA upang magkaroon ng sapat na oras ang bawat isa na makapaghanda bago maramdaman ang epekto ng bagyo.

Ayon sa PDRRMO, sa ilalim ng TCWS No. 1, posibleng maranasan ang bugso ng hangin na aabot sa 61 kilometro bawat oras matapos ang 36 na oras na lead time bago ito tuluyang maramdaman sa mga apektadong lugar.

Binigyang-diin din na ang malalakas na bugso ng hangin ay maaaring makasira ng mga kabahayan na gawa sa magagaan na materyales, kaya’t pinayuhan ang lahat na huwag maging kampante at patuloy na mag-ingat.

Facebook Comments