Nanawagan ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na tigilan ang pagpaprank call sa emergency hotline ng lalawigan.
Kasunod ito ng patuloy na natatanggap na mga prank calls sa Pangasinan 911 na tila walang katuturan o ginagawang laro laro lamang.
Ayon kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, kadalasan daw ng mga tawag ng ito ay nagmumula sa mga high schoolers at itinatawag ang mga bagay na hindi naman ukol sa emerhensiya.
Aniya, recorded daw ang mga ito.
Bilang pagtugon, nakiusap na ang tanggapan sa Department of Education (DepEd) upang maiwasan ang muling pagdami ng isinasagawang mga prank calls.
Samantala, hinikayat ang mga Pangasinense na huwag mag-atubiling tumawag sakaling nangangailangan ng agarang tulong at pagresponde sa anumang pagkakataon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨