PDU30, nag-sorry dahil sa pagpayag sa e-sabong operations

Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpayag niya noong una na mag-operate ang e-sabong sa bansa.

Sa kaniyang talumpati kahapon, iginiit ng pangulo na hindi agad niya nakita ang mga naging problema sa e-sabong kagaya ng mga nalululong na Pilipino na nauuwi sa pagkalubog sa utang at ang mga dinudukot na mga sabungero.

Matatandaang noong nakaraang buwan ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng e-sabong sa bansa dahil sa negatibong epekto nito sa mga Pilipino.


Pero bago niyan, makailang beses ipinagtanggol ng pangulo ang pagpapatuloy sa e-sabong at sinabing malaking halaga ng nakukuha ng gobyerno rito ang inilalaan sa iba’t ibang programa ng pamahalaan.

Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa nareresolba ang kaso ng pagkawala ng mahigit 30 sabungero mula sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments