Peace Advocate naihalal na ABC President ng Buldon

Muling naihalal bilang Association of Barangay Captains President ng Buldon Maguindanao si Dinganen Chairman Rufo Capada. Labing apat mula sa 15 mga barangay kapitan ang bumuto kay Chairman Capada na muling pamunuan ang Liga ng Baranggay ng bayan.

Lubos naman ang pagpapasalamat ni Chairman Capada sa mga kasamahan nito na nagtiwala sa kanya na maging representante ng mga kapitan sa Sangguniang Bayan ng Buldon.

Si Chairman Capada ay kilalang Peace Advocate di lamang sa kanilang barangay maging sa buong lalawigan . Kaisa rin ito ng LGU sa paglaban sa krimen, droga at terorismo.


Sa kabila ng pagiging nag- iisang Christian Barangay Chairman sa bayan ng Buldon ,hindi ito naging dahilan para mas lalong mahalin at pagkatiwalaan ng mga opisyales at residente na dominado ng mga Iranun.

Facebook Comments