Peace Advocate patay sa pananambang sa Midsayap

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Midsayap PNP kaugnay sa nangyaring pananambang kay Brgy Mudsing Treasurer at tumatayong chairman ng UNYPAD North Cotabato Ahmad Kumayog.

Sa panayam ng DXMY kay Midsayap COP Supt Joan Maganto, sakay ng motorsiklo ng pagbabarilin ng di nakilalang salarin ang biktima. Nagatamo ng multiple gunshot wound sa kanyang katawan si Kumayog.
Kabilang sa tinitingnan anggulo ng PNP ang away pamilya. Nakatakda namang ipatawag ng PNP at AFP ang mga angkang sinasabing matagal na ring nag gigirian at involved sa kasong ito.
Samantala, mariin namang kinokondena ng UNYPAD ang sinapit ni Kumayog kasabay ng pag-asang agad itong mabibigyan ng hustisya.
UNYPAD PIC

Facebook Comments