Peace and order at poverty reduction, inaasahang tatalakayin ni PRRD sa kanyang SONA

Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ang mga hakbang para sa lutasin ang kahirapan at pagpapanatili ng kapayapaan sa huling tatlong taon ng kanyang termino.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – hindi pa niya nakikita ang draft ng SONA report ng Pangulo.

Pero nakatuon ang administrasyon sa pagpapa-angat ng ekonomiya at maiahon sa kahirapan ang mga Pilipino.


Sinabi naman ni Presidential Communications and Operations Office Secretary Martin Andanar – ilalatag ng Duterte administration ang socioeconomic initiatives para maresolba ang matinding kahirapan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang poverty incidence sa bansa sa unang kwarter ng 2018 sa 21% mula sa 27.6% sa kaparehas na panahon noong 2015.

Facebook Comments