Peace and Order, Pinaigting ng PNP Cauayan City!

28

Cauayan City – Mas lalo pang paiigtingin ng PNP Cauayan City ang seguridad ng lungsod lalo ngayong nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Police Senior Superintendent Nelson Vallejo, Chief of Police ng PNP Cauayan City, kanyang titiyakin na mababantayan ng mabuti ang kanyang nasasakupan upang mapanatili ang Peace and Order sa lungsod.

Samantala, matagumpay namang idinaos ang Unity Walk, Interfaith Prayer Rally at ang pagpirma ng integrity pledge para sa mga kandidato sa lungsod na pinangunahan ng Comelec, Department of the Interior and Local Government (DILG), PNP Cauayan City na dinaluhan naman ng 34 na kandidato at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments