PEACE AND ORDER SA BRGY. CASALATAN, NAPAPANATILI!

CAUAYAN CITY- Bagama’t mapayapa at tahimik ang Brgy. Casalatan, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Committee on Peace and Order Feliciano Domingo, dahil sa aktibong serbisyo ng mga barangay tanod, napapanatili ang kapayapaan sa kanyang nasasakupan lalo na ang mga insidente ng nakawan.

Aniya, araw-araw nagsasagawa ng ronda-patrol ang mga tanod sa lugar, lalo na tuwing pagsapit ng gabi upang masiguro ang seguridad at kaayusan sa kanilang barangay.


Dagdag pa nito, mga away mag-asawa at gulo sa inuman ang karaniwan nilang nirerepondehan na siya namang agarang natutugunan at nareresolba.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni kagawad Feliciano sa mga residente ng Brgy. Casalatan dahil sa maigting na pagsunod sa mga ordinansa at patakaran ng barangay.

Facebook Comments