Peace-building effort sa Marawi City, palalakasin ng OPAPRU

Palalakasin ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilaition and Unity (OPAPRU) ang kanilang peace-building effort sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., kasunod ng nangyaring pambobomba noong Disyembre 3 sa Mindanao State University.

Ayon kay Galvez, nagkasundo sila ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr., at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Al-Hadj Murad Ebrahim na kailangan ng concerted action sa pagitan ng national at BARMM government para lubusang masuportahan ang mga biktima at mga komunidad na apektado ng insidente.


Sa pamamagitan aniya ng Social Healing and Peacebuilding Program (SHAPE) ay maisasaayos ang pagkasira sa lipunan na dulot ng armed conflict.

Ang SHAPE program ay unang ipinatupad sa syudad noong 2017 pagkatapos ng Marawi siege.

Facebook Comments