Peace covenant, isinagawa sa lungsod ng Maynila

Nagsagawa ng peace covenant ang mga lokal na kandidato sa lungsod ng Maynila.

Isinagawa ang naturang usapan sa Manila Cathedral  Church sa Intramuros.

Nagsanib pwersa ang Commission on Elections at ang Election whatch dog na PPCRV gayundin ang Manila Police District.


Nandigan si MPD District Dir. Brigadier Gen. Vicente Danao na mananatiling apolitical ang pwersa ng kapulisan sa lungsod.

Umaasa din siya na walang sino mang politiko ang mangunguna para sa ano mang bayolenteng gawain.

Nanawagan din ang opisyal sa PPCRV at Comelec na ipagpatuloy ang ganitong programa para mapanatili ang katahimikan.

Hinamon naman ng Comelec-NCR, ang mga kandidato na sundin at tupadin ang peace covenant para maging violence free ang lungsod  sa araw ng halalan.

Facebook Comments