Lumagda sa isang peace covenant ang mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, na isinagawa sa Basilan State College, Isabela City, Basilan nitong Sabado.
Ayon kay Atty. Ray Sumalipao, Regional Election Director ng , ang peace covenant ay para sa sure, accurate, and free and fair elections (S.A.F.E) aa Mayo 9.
Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pagarungan at COMELEC Commissioner Erwin George Garcia ang aktibidad.
Kasamang lumagda ang mga Opisyal ng AFP sa pangunguna ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., na kumatawan kay AFP Chief of Staff General Andres Centino.
Lumagda rin ang mga opisyal PNP sa Rehiyon sa pangunguna ni Area Police Command – Western Mindanao Commander Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo, na kumatawan kay PNP Chief General Dionardo Carlos.
Pinuri naman ni Wesmincom Commander Lt. Gen. Rosario sa mga kandidato sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa kanilang buong suporta sa makatotohanan, maayos, at mapayapang eleksyon.
Kasabay nito, tiniyak ng Heneral na gagawin ng militar at pulisya ang lahat para matiyak ang seguridad ng lahat sa darating na halalan.