Peace Covenant sa City of Ilagan, Isabela, Matagumpay na Naisagawa!

64

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naisagawa ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Ilagan ang kanilang Peace Covenant signing sa Brgy Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Unang nagsagawa kaninang umaga ng ‘walk for peace’ ang mga residente sa lugar sa pangunguna ni Sangguniang Panlungsod Member Jay Eveson Diaz kasama ang mga matataas na opisyal ng AFP at PNP.


Sinabi ni Diaz na ito ay bilang pakikiisa at suporta sa programa ng pamahalaan tungo sa kaayusan at kapayapaan.

Dati aniya na dinadaanan ng mga rebeldeng grupo ang nasabing barangay kaya’t pinasok at binigyan nila ng tulong pangkabuhayan ang mga residente sa lugar upang hindi marecruit ng mga NPA at tuluyan nang mawala ang insurhensya sa lugar.

Hinihikayat naman ng konsehal ang mga Ilagueño na ipagpatuloy ang pagkakaisa upang makamit ang tahimik at maayos na pamumuhay sa Lungsod.

Facebook Comments