Peace dialogue at paglagda sa peace covenant, isinagawa sa hangaring magkaroon ng mapayapang BSKE

Matagumpay na naisagawa ang pagpupulong patungkol sa kapayapaan sa Brgy. Pamalian, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Pinangunahan ito ng mga sundalo mula sa 92nd Infantry “Tanglaw Diwa” Battalion katuwang ang lokal na pamahalaan ng Brgy. Pamalian, Shariff Saydona Mustapha.

Ang nasabing pulong ay layong matigil ang mga panggugulo ng mga NPA at mapanatili ang kapayapaan sa nasabing lugar.


Samantala, nagsagawa naman ng Peace Covenant Signing and Interfaith Rally ang lokal na pamahalaan ng Calamba katuwang ang mga kasundaluhan ng 2nd Civil Military Operations Battalion sa Central I, Brgy. 6 Calamba City, Laguna.

Ang naturang mga aktibidad ay layuning magkaroon ng maayos at mapayapang pagdaraos ng Brgy at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Facebook Comments