Peace forum on the Bangsamoro peace process isinagawa sa ARMM!

Layunin ng isinakatuparang forum on the Bangsamoro Basic Law (BBL) na dinaluhan ng ARMM officials at ng mga empleyado ay upang malinawan ang mga may maling pananaw sa paglusaw sa kasalukuyang ARMM, upang mabigyan sila ng impormasyon hinggil sa transition phase at upang makakuha ng suporta sa Bangsamoro Peace Process.
Sa forum ay ipinaliwanag ni Atty. Raissa Jajurie, Bangsamoro Transition Commission (BTC) commissioner, ang tungkol sa transition at ang mga posibleng pagbabago sa regional bureaucracy.
Si BTC Commissioner Mohagher Iqbal, chairman ng MILF Peace Implementing Panel, ay nagsabi na ang BTC ay tutulong sa pangangasiwa sa transition ng kasalukuyang autonomous political setup hanggang sa mapalitan na ito ng bagong entity matapos na maipasa ang BBL.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni ARMM Governor Mujiv Hataman na ginagawa na ng regional government ay ang mga nararapat na preparasyon para sa transition.
Sinabi pa n’ya na ipinag-utos na n’ya sa lahat ng ARMM agencies, pati na sa locally created offices na ihanda na ang mga dokumento at accomplishment reports na isasalin sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Facebook Comments