PEACE OLYMPICS | Hotline ng Pyongyang sa South Korea, muling bubuksan

North Korea – Bubuksan muli ng Pyongyang ang kanilang hotline sa South Korea para pag-usapan ang pagdalo ng mga atleta ng North Korea sa winter Olympics.

Kasunod pa rin ito ng pag-anunsiyo ng lider ng North Korea na si Kim Jong Un na magpapadala ito ng mga atleta para sa nasabing event.

Ayon sa mga report, alas-2:30 kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas binuksan ang hotline.


Pebrero noong 2016 nang pinaralisa ng North Korea ang kanilang linya ng komunikasyon matapos suspendihin ng South Korea ang kanilang operasyon sa Joint Kaesong Industrial Complex, isang business park kung saan nagtatrabaho noon ang mga taga-South at North Korea.

Samantala, ang winter Olympics o ang Pyeongchang games sa South Korea ay gaganapin sa susunod na buwan.

Facebook Comments