COTABATO – Isang peace rally ang matagumpay na isinagawa kahapon ng ilang civil society group sa Cotabato City upang ipanawagan ang kapayapaan.Ang rally ay pinangunahan ng United Tri People of Mindanao. Nagkakaisang ipinanawagan ng mga Muslim, Kristiyano at Lumads ang pagkakaroon ng iisang tinig para sa hinahangad na kayapaan sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng pagsuporta sa Bangsamoro Basic law kahit ito’y bigong maipasa sa kasalukuyang administrasyon. Hangad nilang makamit ang kapayapaan.Kasabay nito ang panawagan na huwag mawalan ng pag asa dahil naririyan pa rin ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na dokumentong pinagbigkis ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front.Kasabay ng isinagawang Peace rally kahapon ay ipinakalat ng United Tri People of Mindanao ang umanoy consolidated position papers na nagsasaad ng pagtutol ng ilang matataas na lider ng ARMM sa ilang probisyon ng BBL.Ang nasabing position paper ay pirmado ng limang gobernador ng ARMM na kinabibilangan nina Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu, Sulu Gov. Sakur Tan, Tawi Tawi Gov. Sahali, Basilan Governor Akbar, Lanao Del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. at Rla Speaker Ronnie Sinsuat.Nakasaad sa pinirmahang dokumento ang pagtutol nila sa ilang probisyon sa BBL.
Peace Rally Kaugnay Sa Pagbuhay Sa Bbl Isinagawa Kahapon Sa Cotabato City
Facebook Comments