PEACE TALKS | AFP, kinumpirmang binubuo na ang EO para sa localized peace talks

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na binubuo na ang Executive Order (EO) para sa localized peace talk.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, isinusulong ang localized peace talk dahil mas alam ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang kanilang problema at dahilan ng pagsapi sa kilusan.

Giit ni Arevalo, hindi tunay ang hangarin si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison sa pagsusulong ng peace talk.


Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pitong kondisyon ang inilatag ng pamahalaan sa localized peace talks.

Kabilang na rito ang kumpas ng national government, centrally directed at locally supervised ang pag-uusap, dapat ang amnesty package ay base sa prinsipiyong disarmament, demobilization, rehabilitation at reintegration sa lipunan.

Facebook Comments