PEACE TALKS | AFP, pormal nang itinatapos ang giyera sa MILF

Manila, Philippines – Opisyal nang idineklara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatapos ng giyera sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez Jr. – seryoso ang militar sa pagtulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo sa ilalim ng pangangasiwa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Suportado rin aniya ng militar ang pagbuo ng Bangsamoro government.


Inimbitahan din ni Galvez si MILF Chairman Al Hajj Murad Ebrahim na bumisita sa kanilang headquartes sa Camp Aguinaldo.

Para naman kay Ebrahim – itinuturing na isang kaibigan si Galvez ng mga Bangsamoro.

Ang naturang pulong ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng AFP at MILF leaders na may 6,000 miyembro.

Facebook Comments