PEACE TALKS | Agarang pagkansela, nasa kamay na ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process

Manila, Philippines – Nasa kamay na ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang desisyon upang agad na ipatupad ang pagbasura at pagtalikod sa lahat ng naging kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDFP.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation order 360 na nagdedeklara ng tuluyang pagsasara ng peace talks ng gobyerno at rebeldeng komunista.

Ayon kay Roque, pinal na ang desisyon ng Pangulo kaya’t kailangan nang kumilos ang tropa ng pamahalaan at mga tanggapan ng gobyerno upang tugisin ang NPA at mga indibidwal na may kaugnayan sa teroristang grupo.


Pinawalang bisa na din aniya ng Department of Justice (DOJ) ang temporary pass ng mga lider ng npa na pansamantalang pinalaya kaya’t maaari na muling arestuhin ang mga ito.

Facebook Comments