PEACE TALKS | Back-channel talks sa pagitan ng NDFP at GRP, sisimulan ngayong araw

Manila, Philippines – Positibo ang National Democratic Front of the Philippines sa deadline na dalawang buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.

Ayon kay NDFP Senior Adviser Luis Jalandoni, sa loob ng dalawang buwan ay marami na ang mapag-uusapan kahit na hindi na makumpleto ang buong peace agreement.

Ngayon araw, sinabi ni Jalandoni na magsisimula ang back-channel talks sa pagitan nila ng NDFP at government representatives sa gaganapin sa Utrecht sa The Netherlands.


Una nang sinabi ng pamahalaan na naghihintay pa ang government peace panel kung saang lugar gagawin ang peace talks kasama ang NDFP.

Pero posibleng idaos umano ito sa Norway o sa The Netherlands.

Parehong panel of consultants pa rin aniya ang kasama sa peace talks tulad ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Facebook Comments