PEACE TALKS | CPP Founder Jose Maria Sison, uuwi ng Pilipinas ayon sa isang NDF consultant

Manila, Philippines – Uuwi ng Pilipinas si Self-Exiled Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison sa Agosto.

Ito ang sinabi ni National Democratic Front (NDF) Consultant Rey Casambre sa kabila ng kanselasyon ng peace talks sa June 28.

Ayon kay Casambre, pwedeng umuwi si Sison sa bansa sa ikalawang linggo ng Agosto.


Subalit sinabi ni Casambre na maari ring mapanganib kay Sison na umuwi lalo at ipinagpaliban ang usapang pangkapayapaan at maaring arestuhin muli ang mga peace negotiators at consultants ng NDF.

Ang petsa ng pagbalik ni Sison sa bansa ay ipinanukala ng government peace panel habang isinagawa ang back channel talks sa Utretch, The Netherlands.

Facebook Comments