Manila, Philippines – Hindi na muna babalik ng Pilipinas si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison hanggang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakaupo sa puwesto.
Ginawa ni Sison ang papayag kasunod na rin ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ipaaaresto si Sison sa sandaling umuwi na ito ng bansa.
Ayon kay Sison, nagpapasalamat siya kay Lorenzana dahil ipinakita nito ang tunay na kulay na hindi talaga sinsero ang gobyerno.
Pinatunayan din aniya ni Lorenzana na sinungaling si Pangulong Duterte nang sabihin niyang gagarantiyahan nito ang kanyang seguridad gayundin ng iba pang mga consultant ng NDFP kung dito sa bansa gagawin ang peace talks.
Una rito, inihayag ni Sison na uuwi lamang siya sa bansa kung malalagdaan na ng magkabilang panig ang CASER gayundin ay kung matitiyak ang kanilang seguridad.
Magugunitang nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na itutuloy lamang ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno sa mga rebelde kung dito sa Pilipinas iyon gagawin.