PEACE TALKS | CPP founding chairman Sison, pumalag sa mga inilatag na kundisyon ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Welcome development para kay Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.

Pero giit ni Sison, dapat ay walang pre-conditions ang Duterte administration sa pagbabalik ng peace talks.

Sa press briefing sa Malacañang, inisa-isa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kondisyon ni Pangulong Duterte sa muling pagbabalik ng peace talks.


Ayon kay Roque, kung ang mga ito ay tatanggapin ng CPP-NPA-NDF, maaari pang payagan ng Pangulo na makabalik sa bansa si Sison para lumahok sa usapang pangkapayapaan.

Pero, palilinaw ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza, hindi mga kondisyon ang inihayag ng Pangulo, kundi pagkakaroon ng magandang panimula ng magkabilang panig.

Umaasa si Dureza na magtutuloy-tuloy na ang muling pagbuhay ng usapang pangkapayapaan.

Facebook Comments