PEACE TALKS | DILG, tiniyak ang kaligtasan ng mga CPP negotiators

Manila, Philippines – Tiniyak ni DILG OIC Secretary Eduardo Año ang kaligtasan ng communist leaders sa sandaling dito sa Pilipinas gagawin ang peace talks sa pagitan ng CPP-NDF at government panel alinsunod sa mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Año na ang pagpapatuloy ng peace talks sa bansa ay hindi lamang logical kundi isang practical na hakbang dahil makakatipid sa gastusin ang pamahalaan.

Aniya ang suporta ng taumbayan ay kailangan din sa peace talks lalo na sa pagpapatupad ng anumang kasunduan tulad sa ginawang pagbuo ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na dumaan sa maraming konsultasyon.


Hinamon din ng DILG Chief ang CPP-NDF-NPA na magtiwala at magpakita ng sinsiridad sa pamamagitan ng pagpapatigil sa lahat ng pag-atake sa construction projects ng pamahalaan gayundin ang pangungulekta ng anila ay revolutionary taxes mula sa private firms.

Tiniyak din ng DILG sa publiko na ang reintegration assistance ng pamahalaan ay handa sa sinumang rebelde na magsusuko ng kanilang armas at normal na mamuhay sa lipunan.

Facebook Comments