Manila, Philippines – May nakahanda nang Executive Order (EO) ang Malacañang para sa tinatrabahong localized peacetalks.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, laman ng nasabing draft ang mga kondisyon para sa pagpapatupad nito.
Hindi naman binanggit pa ni Roque kung kailan ilalabas ng Palasyo ang EO para sa localized peacetalks.
Nauna nang sinang-ayunan ni Pangulong Duterte na gawin na lamang ang pakikipag-usap sa mga komunistang grupo sa bawat lokalidad sa bansa kung ito ang uusad at magtatagumpay kaysa ang pakikipag-usap sa matataas na lider ng mga rebelde na nasa ibang bansa tulad ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.
Facebook Comments