Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang working group para bumuo ng guidelines para sa localized peace talks sa pagitan ng local governments at communist guerrila units.
Ayon kay DILG acting Secretary Eduardo Año, ang mga mayor at governor ay maaring simulan ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa kanilang lugar kapag natapos ang guidelines.
Mahalaga aniya ito lalo at hindi na itinuloy ang negosasyon ng government peace panel sa National Democratic Front (NDF).
Sa ilalim ng guidelines, ang Regional Peace and Order Councils (RPOCs) at Regional Development Councils (RDCS) ang magiging pangunahing entablado para sa peace initiatives.
Naniniwala si Año na ang localized peace talks ay magkakaroon ng malaking impact sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.