Iginiit ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na walang magaganap na usapang pangkapayapaan kung hindi ito gaganapin sa isang neutral country.
Ayon kay NDFP Negotiating Panel Senior Adviser Luis Jalandoni – hindi papayag si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na sa Pilipinas gaganapin ang peace talks.
Tugon naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo – dapat tanggapin ni Sison ang alok ni Pangulong Duterte na sa bansa isagawa ang peace talks.
Makakatiyak si Sison na walang warrant of arrest ang ihahain sa kanya pag-uwi sa bansa.
Sa pamamagitan aniya nito, mapapatunayan din ang kanyang sinseridad.
Facebook Comments