Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtanggi ni CPP Founding Chair Jose Maria Sison sa pagkakaroon ng localized peace talks sa bansa.
Ayon kay Lorenzana, wala nang saysay ang anumang sabihin ni Sison dahil dinala na nila sa lokal na rebelde ang usaping pangkayapaan.
Tinuturing lang umano ni Lorenzana na isang ‘noisy distraction’ ang mga pahayag ni Sison na tulad ng kahol ng aso na dapat ay binabalewala.
Hindi rin aniya ititigil ng gobyerno ang pagsusulong ng localized peace talks dahil lang tinanggihan ito ni Sison.
Nanindigan rin si Lorenzana na hindi pag-aaksaya ng pera ang localized peace talks gaya ng banat ni Sison.
Ang tunay aniyang pera na naaaksaya ay ang perang kinokolekta ni Sison at kanyang mga tagasunod para sa tinatawag nilang revolutionary tax at ang perang ginagamit ni Sison sa pananatili niya sa bansang Netherlands.